Search

Bahaginan sa Silang (Polyeto)

Updated: Feb 3

Bahaginan sa Silang (Polyeto)

Ang kultura ng pagbabahaginan ay isang masustansyang sangkap para sa isang sustinableng komunidad.

Sa nakalipas na taon ay nasaksihan natin kung papaano pinahirapan ng isang pandemya ang mga mamamayan lalo na ang mga karaniwang tao, gaya ng mga manggagawa sa mga factory, magsasaka, mangingisda, manggagawa sa bukid, mga jeepney drivers at marami pang ibang sahurang manggagawa sa lungsod at sa probinsya na umaasa sa kakarampot na kita.


Habang marami sa mga mamamayan ang dumaranas ng kahirapan, karahasan at opresyon sa gitna ng pandemya, ay tila parang naging “Peace and order” issue and Covid-19, sapagkat ang mas binuhos at pinadala ng estado sa mga komunidad ay mga pulis at militar na kung saan ang kailangan at prayoridad ng tao nuong mga panahong iyon ay pagkain at serbisyong medikal.


Nakakalungkot isipin na sa ganitong paraan nai-address ng ating gobyerno ang krisis na hanggang ngayon ay kinahaharap at dinaranas pa rin natin hanggang sa kasalukuyan. Nakakalungkot na mas marami pa rin sa mga mamamayan, lalo na ang mga sinasabing nasa laylayan ng ating lipunan ang nakakaranas ng “involuntary hunger” na isa sa pinaka mataas na mukha ng karahasan.


Nakakalungkot din makita at marinig ang mga ilang komento ng ibang tao sa kanilang kapwa, gaya ng “sumunod na lang sa batas at huwag lumabas ng bahay” na kung saan ay hindi ba natin naisip na baka may malaking pagkakaiba tayo sa kakahayan at kalagayan natin sa buhay.




Kung ikaw ay may isang disente at malaking bahay, kumpleto sa pagkain at supplies, may wifi, may tv, aircon, may negosyo at ipon, at iba pang luxury sa buhay, siguro nga ay napakadaling sabihin na manatili tayo sa loob ng ating bahay.

Ngunit naitanong ba natin sa ating mga sarili, kung bahay nga bang maituturing ang kanilang tahanan? Paano na lang ang ilang pamilya na kung saan ang 1 o 2 dipang sala nila ay ang kanila ding kwarto at kusina? Base sa aking karanasan at nasaksihan noong nakaraang taon ay marami sa aking


Page 1.

mga kapitbahay sa Buting, Pasig ang nawalan ng trabaho, 1 beses lang kami nakatanggap ng ayuda sa loob na 1 buwan mula sa local na gobyerno, at sa pag kakaalala ko, ang laman nito ay 2 kilong bigas at nasa 7 na delata. Ngayon, masisisi mo ba ang isang Ama o Ina kung kailangan nilang lumabas para dumilihensya? Kasalanan ba nila na sila ay naging mahirap kaya ganyan ang kanilang naging kalagayan? O kasalanan nila na hindi sila nag-ipon kaya ang kanilang inabot ay kagutuman?

Maaring tama ang iba sa paratang na ito lalo na kung pakiramdam mo ay napakasipag at napakabuting mamamayan mo, ngunit naisip ba natin na kaya hindi sila makapag-ipon o nakaipon ay dahil ang kakarampot na kita ng isang normal na manggagawa ay hindi pa sapat para sa pang-araw araw na pangangailan ng mag-asawang may isang anak.

Nakakalungkot isipin na ang ilan sa kapwa natin ay naging mapanghusga mula sa pribilehiyong pagtingin.


Hindi ba natin pwedeng silipin, na baka ang ugat ng kahirapan at karahasan ay dahil may iilan lamang nagkokontrol sa kaban ng bayan, natural at likas na yaman, sa presyo ng mga bilhin sa merkado, at dahil sa hindi nakakabuhay na pasahod, sa minimum rate at provincial rate na kung saan wala naman halos pinagkaiba ang pagsasaing ng bigas sa maynila at sa mga probinsya, at halos parehas na lamang ang presyo ng mga pangunahing bilihin na kung minsan ay mas mataas pa ang presyo dito sa probinsya.


Dagdag pa ang kalagayan na sinasabi nating “susing industriya” gaya ng tubig, kuryente, pangunahing lansangan, telekomunikasyon, ospital, na syang pangunahing kailangan ng tao, ngunit halos ang lahat ng ito ay naging pribado at ginawang negosyo.

Mababa na nga ang pasahod, mataas pa ang mga bayarin sa mga pangunahing pangangailangan natin. Ngunit kung gusto mo naman mag tanim, ay walang lupang sasakahin. At kung meron man, dahang-dahan na ring nawawala ang mga ito, kino-convert sa mga golf courses, mall, at subdivision ang mga lupang sakahan at palayan, apektado rin palagi ng mga naglalakasan bagyo na dulot ng


Page 2.

“Global warming at Ecological Crisis” dahil sa patuloy napag-mimina, pag-quaquarry, logging ng mga natitirang kagubatan at kabundukan natin. Patuloy itong binubungkal, kinakaliskisan at ginagahasa ng mga dambuhalang korporasyon at ang mismong ahensya ng gobyerno natin gaya ng DENR at NCIP ay ang mistulan nagiging ahente lalo na sa mga lupaing Ninuno ng ating mga katutubo at sila ang nagbibigay permiso para wasakain ito para sa higit na pakakatubuan ng iilan. Legal ba talaga ang manira ng kalikasan at tahanan ng mga katutubo natin sa ilalim ng sistemang ito?


Kaya kahit magpalit at magpalit pa tayo ng bagong presidente, ay hindi mawawakasan ang problema at krisis na kinahaharap ng ating henerasyon. Mula sa aming lente, naniniwala kami na hindi sagot ang palitan ang presidente at kunin ang pang-politikal na kapangyarihan at magtayo ng bagong estado. Magkakaiba-iba ang mukha ng mga yan, ngunit nasa iisang barya at iisa din lamang ang tunog pag bumagsak ‘yan. Sa halip mas komportable kami at naniniwala na ang kailangan nating gawin ay tanggalin ang ano mang “Hierarchical Structure” sa komunidad at lipunan na syang ugat palagi ng pagkokontrol, na kung saan ang palaging tendensiya ng ganitong istraktura ay mag domina sa kanyang kapwa at paligid.


Naninwala kami na ang pagkakaroon ng isang komunidad na may pantay na relasyon at naka base sa sariling diterminisasyon, respeto sa kanyang kapwa tao, organismo, kultura, at kalikasan, sariling otonomiya at ang “kultura ng kapwa tulungan” ay ang isa sa pinaka masustansyang sangkap para sa isang mapayapa at sustinableng komunidad.

Ngayong darating na Pebrero 13 taong kasalukuyan ay iniimbitahan namin kayo na kami ay saluhan sa aming munting aktibidad na kung saan ito ay nag propromote sa idea, ng kahalagahan at praktika ng kapwa tulungan, magsasagawa kami ng libreng palengke magbabahagi ng pagkain, free workshops, film showing, music and arts performance, at solidarity call para sa Negros Natural Park.


Bahaginan sa Silang

“Sa gabay ng ating mga Ninuno”

Inihanda ni Ja


Produced by: Pirate Studio

Website: piratestudio.net

Email: piratestudio@riseup.net


Page 3.


69 views0 comments

Recent Posts

See All
  • Facebook App Icon
  • YouTube App Icon